|
Marami tayong mga paboritong kanta at
marami tayong minahal na musika. Pero minsan ay pumasok
na din sa isip ko ang isang bagay, ilang taon ko na kayo
kasama, ilang taon na tayong kumakanta, pero parang
maganda kung gumawa tayo ng sarili nating musika. Kanta
na masasabi nating sa atin talaga, mga salita na
magpapaalala na minsan tayong nagkasama.
Nais kong ipaglaban ang proyekto ng
pagbuo ng kahit isang kanta lang, para kung sakali man
na dumating ang panahon na magkakahiwalay na tayo ay may
babalikan pa ako, isang bagay na nagpapaalala na minsan
ay naging Aristotle ako. Pero natatakot ako na baka
magsimula ang paggawa ng kanta pero hanggang simula na
lang siya.
Pero kung ako ang tatanungin, nais ko
gumawa ng kanta kahit na hanggang salita lang siya at
hindi malapatan ng musika, nais ko pa ring bumuo ng
isang kanta na magpapaalala tungkol sa inyo at sa kung
ano ako. Hindi man malapatan ng musika ang aking kanta
ay masaya na din ako dahil kasabay ng bawat salita na
sinulat ko ay nakapaloob ang isang masayang alaala. |