|

Email Us

|
|
| |

Summer Training of the Path makers
BABALA: Ang mga nakasulat ay maaring naglalaman ng maseselang videos, at mga salitang maaring hindi ninyo magustuhan, ang patnubay sa sarili ay kailangan. Pigilan ninyo ang sarili nyo (please! Baka mabugbog nyo ako ay)
Day 1 : “Dibide et Impera” {dib-bid-deh’ et imp’-pe-ra}
6:15 na! ayan na! dali! larga na. At ayun, nasa terminal na ako at naghintay ako ng ilang taon, tao pala(sori). At habang naghihintay ako, ayun, nagsenti ako. “Bukang liwayway na naman, para sa iba, isang pahina na naman ang pilit nilang susulatan. Para sa kanila, ang bawat umaga’y waring isang mapait na katotohananna ayaw ng maranasan. Nakakasawa na nga! Puros karahasan at kahirapan ang pilit isasaksak sa bawat pahina ng aklat” Naks! tigilan na nga iyan at sa isang iglap lang…… TSING!!! Nasa Limay National High School na kami. Tapos may sasalubong sa ‘yong mga CAT officers, at magugulat ka sa mga hitsura nila – Ay! hindi sa hitsura, sa gagawin pala nila. Kasi mag-uunahan sila sa mga gamit na dala mo. May hospitality ba!
Q: Kung ikaw ang nasa sitwasyon na iyon, ano’ng gagawin mo?
A) Kuya, wala po kaming kasalanan. Maawa po kayo!
B) Kuya, buhatin mo na rin ako kapagod maglakad ai!
C) Kuya, ano ba? Wala kaming pasalubong.
D) Kuya, kooooh tsu tsu tsu tsu, catch. Good boy!
Note: MAGPATATTOO KA (parang mali, MAG PAKATOTOO yan)TSING!!!, lumipas ang ilang oras at hinati kami sa aming own group. “Karlo, Ralphe, walang iwanan ha.” SHOCKS!!! four groups? At magkasama kayong dalawa? Da organaysers ov da ibent shud stadi probabiliti lesons so dat da gruping wood bi peyr. Eniwey, tulog time na with your own group sa JICA. Wow! JICA! Ang dumi.(wala kasing pasok) Kadiri to death! Pede ka ngang magtanim ng kamote sa lupa, alikabok pala. Ayan! Malinis na. ABAH!!! May adhikain pala ung lider namin na sobrang astonishing. “Dibide et Impera”. At ayon , nagsamasama ang mga taong may face na pang lungsod. At para hindi mahalo sa mga face na pang bundok, gamit ang naleyj op enjiniring, nabuo ang “Great Wall of JICA”, mula sa pinagpatung-patong na shoe rack. “Okay lang yun”, sabi ko. Aaaay! Walang electric fan. Ayun naman pala, nanguha na sya ng labintador- este bintilador at inilagay sa side na mga face na pang lungsod.. WOW PARE! Sarap mong tungayawen (imagine nyo ginagawa ko nga yun, hahahai). Edi ayun, naligo nalang ako. Pagkatapos ko, “Pusa ba ako? Bakit umulan?” pero lets parteh! Mas malamig kase. Sino kaya ang makakatabi ko. Ay si Jairus pala. Josme! Dumugo ung utak ko sa mga magic tricks nya. May application pala ng lahat ng brach of math yun. At ang isa ko pang katabi ay si June! Si June, naaalala mo ba sya? ,ung nauuna kay July? Wahaha! tawa ka. Ay! sosyal, parang PBB, may lights off. Wah! Antok na ako kaso hindi ako makatulog. Meron kasing gamut na pampasigla yung banig na pinamigay, amoy marijuana yosi at Arabo baga! Ang dami ngang stars sa JICA kahit umuulan nun ei. Ay! umuulan nga pala, kaya naglabasan ung mga baby salagubang. Ang sweet nila ha. Tatabihan kang matulog. Pumunta pa sa bungangah ko, “Ay! ang sweet nga”. Pumunta din sa ulo ko at magdamag na nilipol ang mga kuto, at buong gabing kinain ang ulo ko. ZZZZZZZZZZZZHHHHH. Ay teka! Yung Cultural Night namin. Ayon kumanta kami ng BHNS Hynm na mali mali, saka tagalog verxon ng Low. Tapos as usual - nagwala ako. Ako yung yaya ni Ralphe. “Yaya, Yaya, You’re such a looser”. Haha! Whatever.
Day 2 : “…dudura lang ako BOBOH…”
Magandang Philippines umaga! Baligtad ata? Magandang umaga Philippines. “Grabe! Ang init ng tulog na iyun.” Magsusuyod muna ako, magsusuklay pala. “Aaaay! Ano to? Bakit may garapata ako sa scalp?” akala ko naging aso naman ako. Tutal may mga baby salagubang na namahay sa ulo ko, tapos dumikit pa sa damit ko yung aroma ng banig na amoy Arabo baga, saka ang init at pinawisan pa ako, (ayy it’s favorable for the bacteria to grow). Sige hindi na ako maliligo. YUCK!!! Bakit ba? Naligo naman ako kagabi.
Ayun! Day 2, at pupunta pala kami sa Bahay Puso saka sa Kinaragan aeta community! Naaalala mo ba ung Kinaragan? Ung lugar na maraming karag saka hantik? wahaha tawa ka ulit! TSING! Dinala kami ni lider sa Bahay Puso (ang taas pala nung lugar na iyon, natanaw ko nga yung mga anit ni Mark at Kenneth eh). Mingle daw muna kami sa mga olds. Sige, mingle. Tekah, ano ba ung ‘mingle’?Mingle? as in “mingle bells, mingle bells, mingle old a weys” (o tawa ulit)Lola #1- “Hellow po lola”. Walang reply. Yun naman pala bedridden na sya to the max tapos deaf pa sya. Kaya hinayaan ko na lang siyang magpahingaLolo #1- “Hello po lolo, kamusta na po kayo” wala ding reply, tapos nakatitig sa malayo. Nag ocho-ocho na nga ako sa harap nya pero wala talaga eh. Ayoon!, may cataract sya at bingi din. Hindi ko na kinausap kasi lalakas ung boses ko, eh sabi ng nanay ko mukha daw akong galit pag malakas ung boses ko. Kaya Lolo, babooosh…Lola #2 - Ayoon! may silya sa gilid nya, matabihan nga. “Hello po lola”, ay? walang reply? “Kamusta na po kayo?” Ay? tumango lang, lola ang tipid nyo naman sa boses. Ay! tatayo si lola aakayin ko na sana pero tinanong ko muna sya, “Oh, lola aano po kayo?”. JUSHMIYO MARIMAR!!!, talaga namang nashock ako sa reply nya. Ang sabi nya, “Dudura lang ako, BOBOH!!!”. Oh baby!!! I cant ripley’s believe it or not. Tapos mala judas belt pa ung lakas ng boses nya. Kaya tingeenan sa’ming dalawa ung mga tao. “ano ba itong gulo na pinasok ko, nahurt na nga ako, napahiya pa me.” So I left her alone. So sumama na lang ako sa iba kong frens. Nadala na ako ei! Tapos may nadinig naman ako isang matanda na walang kausap, sabi nya, “Mga kaibigan! Hali kayo rito. Bukas, mamamatay lahat ng tao. Malaya na tayo”. Hala! Nakakatakot naman yun tapos may naisip pa akong masama(kung ano yun? Basta!). Buti na lang paalis na kami. Ooooy! Ang lakas pa ni lolo, nagbubuhat pa ng monoblocs. Pero mga lolo’t lola, byebye. Along the way, may nakachika pa akong lolo one-on-one ha. Sabi ko, “Lolo!, paalam po, alis na po kami” na-touch naman ako sa reply. “Oh mag-iingat ka ha. Salamat.” Ang korni ko man pero imagine, di ko naman sya kaanu ano, pero he cares for me. Pero paalis na talaga kami ei! “Sige po lolo, aalis napo kami, salamat po. Ingat po kayo”. Eto na. habang nasa biyahe, nagsenti na naman ako, “Mga lolo, mga lola, hindi ko kayo malilimutan (lalu ka na). mwah! tsup! tsup!”. TSING!!!, nasa LNHS na kami. Ay!?! wala pa ung mga nagpunta sa ita. Kaya nagtsikahan muna kami ni mam Yuzon. sabi ko nabobo lang naman ako. Buti na lang madaming matanda sa may bahay namin kaya I understand her. Uy! Ang aga ng sweldo ni mam, May 8. Mam, pacheese burger naman kau. burger! burger! Grabe! Daldal ni mam (mam A, wahahai). Kwento nya yung mga kaanuhan ng mga pro at anti prins___. Saka ung mga kababalaghan sa fil dept. Kung bakit may white lady doon. Kung bakit may may multo daw sa pinto ng cr. Kung bakit may krus doon. Kung bakit may pari sa 309. Kung naitago ba ni Ding yung puting bato Eh hindi pala, naiwan nya sa studio ng GMA kaya no choice sya kaya nilunok nya na lang ang bato ng Remus.(???)
Sa wakas!, eto na yung mga ita (ayy!erase erase) ung mga nagpunta sa ita. Si Kristine ay nagtamo ng 3 paso at isang hiwa sa pagluluto nila ni Trisha ng ginataang something. Yung iba nyong classm8 at schoolm8, ayun, nakakatayo pa naman.
YES!!! Sa ibang room matutulog si lider. Mananakaw na ng mga tagabundok yung electric fan. Aaaay! Excited pa man din kami sa hangin, tapos tinangay nya sa kabilang room ung bintilador. wais ano? Good night!
Day 3 : Balanga City Rally

4 o’clock na. Umaga na. Ligo na. Lamig ng tubig. SHOCKS!!! Bakit may pugot na ulo dito? Ahehe jowk lang. Tinuruan kaming sumayaw (ayy! erase erase), mag taekwondo pala. ‘toong il moodo’ ang pangalan.
From Korean words:
‘toong’- pang hawak ng nagbabagang charcul, toong
‘il moodo’ - gamit ng empisi kapag isasalin ang tubig -este juice sa plastic, il moodo
(korni va? Edi wag ka humalakhak, tawa lang) hahahai) TSING!!! Nasa Balanga City plaza na kami. I luv Balanga. Teka? Sasama ba talaga ako? Tama ba to? Oo tama to. Ipagsisigawan ko na virginity pa ako. Sana wala akong kamag-anak na makakita sa akin. Sa kamalas malasang pagkakataon, nakita pala ako ng pinsan (sherps!). Ayan! Nagrarally na, nasa harap ako, iba na ang powers ko eh. Dala ko ung banner ng LPG, (ay! erase ulit) PLG pala, as in Pure Love Generation. Sigeh, sigaw lang. Napalingon ako sandali. At nashock ako, may nacapture akong kakaibang energy. Iba pala pag nasa harap ka. Kapareho ng energy noong gabi ng Bataan Has Fallen, umuulan, putikan tayo, brown out, iniilawan tayo ng mga tricycle, tanging boses ng nagkakaisang Arellanista ang umaalingaw ngaw sa mga sulok ng annex, at napifeel natin yung panahon ng giyera. Ayaw na natin ng ginagawa natin pero alam natin sa sarili na its worthed. May pakinabang din pala ang akala natin ay walang saysay na paghihirap. Yung mga wala sa Bataan Has Fallen, ok lang yan, wawa naman kayo. In the rally, there is some feeling that you want the people stop, look and listen to your way of expressing yourself. You want educate the citizens and house them as one family, have faith, and to live in the prosperity of knowledge and pure & true love. (ayown, nakatira ako ng malupet na engles.)(Ayan hanggang d2 na lang muna. Abangan nyo na lang yung karugtong ng Day 3 Day 4 at Day 5, kung madudugtungan pa)
|
|
|
|