The Shuttle
by: Kristine
After all the exams and projects
this past weeks ang sarap sabihing "hay! tapos na tayo sa ating
ika-tatlong taon sa high school". Pero wait lang.. Ganon lang yon
hindi mo man lang namamalayan na tapos na daw ang pinakamahirap na
part ng pagiging hayskul sa isang iglap malalaman mong gurang ka na
pala! Pero sa pagtatapos ng yugtong ito sa ating pamumuhay marahil
ang marami sa atin ang 3rd year ay hindi naman nagpapaalala ng
hirap at sakripisyo na dinanas natin upang makapasa at maabot ang
mga expectations ng ating mga teachers, Ito para sa atin ay yugto
kung saan nasabi natin na "Finally buo na tayo".
Buo na tayo. Ang sarap pakinggan pero
isang salita lang ang maaari kong idugtong dito - shuttle. Hindi pa
rin malinaw sakin kung bakit shuttle ang ipinangalan sa mga jeepney
na bumabyahe back & forth sa school upang ihatid sundo ang mga
studyante. Pero back to the topic..Bakit ang shuttle? Dahil ngayong
3rd year lang nangyari na ang halos buong Aristotle ay magkakasabay
na umuwi at naghihintayan. Ang dami ring memories ng shuttle, kilala
mo kung sinong manong ang mabait o masungit. Ang mga magkaaway-
joshua/roland vs mga dispatcher. Unahan din para hindi ka mapuwesto
sa dulo para mangolekta ( pero meron akong secret strategy para
hindi ako mangolekta) siksikan sa loob kahit super init basta
makasama lahat at walang maiwan, Daldalan kahit binggi na si manong
inisan at iba pang kulitan. Ang pinakanakakamiss? syempre ang
kantahan nila dom ng mga lumang kanta syempre yung mga bago din,
sabay ng pagsayaw na parang walang pakiaalam sa mundo. Nabubuo din
dun and iba't-ibang mga samu't-saring tsismis at kung anu-ano
pangbalita. Hay! ang
sarap talagan umuwi pagkatapos ng Filipino lalo na't maiisip mo na
may mga taong naghihintay sayo sa dulo ng daan (bench) kahit na alam
mong marami sa paligid niyon ang tumitingin at pinanunood ang iyong
paglakad sa kanilang harapan.Ngunit sa kabila ng kasiyahan sa loob
ng shuttle ay alam natin na kailangan maghiwahiwalay ng landas ( mga
bayan at terminal) ngunit ito'y pansamantala lang. Tulad ng
buhay natin sa highschool ang shuttle ang nakakapagpaaalala sa tin ng
mga dinanas nating problema, kasiyahan, tagumpay ngayon at sa
takdang panahon na tayo ay mga mature na kailangan niya na tayong
ibaba upang sumakay naman sa panibagong biyahe ng buhay.
Mayroon pa tayong isang taon, sana
habang nakasakay tayo sa biyahe ng ating high school, matamo natin
ang kasiyahan ng ating pagsasama at mahubog tayo bilang isang ganap
na tao bago tayo ihatid sa susunod na sakayan ng ating magiging alma
mater. ~pasensya sa
kacornihan! |