Free Web Hosting : Free Hosting : Troubled Teens : Web Site : Report Abuse
  Home » Article » SchoolBag
  HOME | ARTICLE | PICTURE | MUSIC | VIDEOS

Email Us
Email Us

Click Here!


Rate this Article

Name:

Email:

 Rating:





 

 
  School Bag part One

Tag-ulan na bumubuhos na ang maliliit at malalaking patak ng tubig sa langit. Kasabay nito ang pag-ihip ng malamig at malalakas na hangin. Tumigil ng ang pagsikat ng mainit na haring araw at napalitan ito ng makakapal at maiitim na ulap.

Tag-ulan na naman. Isa lang ang ibig sabihin niyan, malapit na ang buwan ng June. At syempre pasukan na naman.

Yeheeyy!!! Ayan siguro ang madalas na sinasabi ng mga bata - mga mumunting bata na first time na papasok sa skul na gustong gusto pumasok sa eskwelahan. Marahil iyan rin ang sinasabi ng mga batang nais mulingmakita ang kanilang mga kaklase.pagkatapos ng dalawang buwang bakasyon (pero para sa ating mga teenager na ilang taon nang pumapasok sa school, hindi na marahil bago sa atin ang mga ganitong eksena).

Syempre, kapag malapit na ang pasukan, ano ba ang madalas unang pumapasok sa mga isipan ng mga batang ito? ano pa nga ba kundi ang mga gamit sa paaralan. At dapat bago ang lahat (lalo na sa mga batang first time papasok sa school). Bagong uniform, bagong sapatos. Bagong papel at lapis na may pambura at minsan pa ay may nakahiwalay na bagong pambura at pantasa. Bagong krayon na may 8 o 16 colors pa kung minsan. Bagong ballpen na iba't-iba ang kulay - may pula, itim,blue, o kaya naman ballpen na all-in-one. Saan mo ba ilalagay ang mga lapis, pambura, pantasa, ballpen at krayola? saan pa nga ba kundi sa pencil case at kailangan din ng bags, mga bagong pencil case at notebook na iba-iba ang design, may spiderman, batman,superman, naruto, gundam see at kung anu-ano pang design. Andyan din ang mga bagong lunch box at syempre- muntik ko na makalimutan- saan mo ba ilalagay ang lahat ng gamit na ito? saan pa nga ba, e di sa isang maganda at bagong schoolbag.

Ayan marahil ang nangyayari sa tuwing malapit na ang pasukan. Pero para sa ating mga teenager na ilang taon nang labas pasok sa paaralan, hindi na marahil bago satin ang ganitong eksena...Ngunit kung aalalahanin natin ang ating kauna-unahang pagpasok sa paaralan, di ba ganyan din tayo- may kinakabahan, may excited na sa sobrang excitement ay hindi na mapigilan na ipagyabang ang mga bago niyang gamit, mayroon din namang takot na takot na pumasok sa school at ayaw magpaiwan at meron ding sa unang araw pa lang ay kaibigan na nya lahat ng batang pumasok din.

Hay..pasukan na naman, papasok na naman tayo sa magulong paaralang ating kinabibilangan, dala-dala ang ating mga school bag na ibat-iba ang laman: isang notebook, ballpen, isang piraso ng papel, pabango, suklay, make-up at kung anu-ano pa.

Hayy...pasukan na naman..

Pero dapat ba nating palampasin ito..Sa darating na pasukan, 4th year na tayo. Ito na ang ating huling taon sa High School, sa BNHS. Eto na ang ating huling pagkakataon upang tayo'y muling magsama-sama. Sapagkat sa pagtatapos ng school year, gagraduate na tao. Hay... Kaya di dapat natin palampasin ito. Ibigay na natin ang lahat. Sabihin na natin ang lahat ng nais nating sabihin. Gawin na natin ang lahat ng nais nating gawin. Hanggat nariyan pa ang iyong mga kaklase at kaibigan na iyong naging karamay sa lahat ng pagkakataon, gawin mo na ang lahat ng pagkakataon, gawin mo na ang lahat ng gusto mong gawin. Dahil pagkatapos nito, wala nang kasunod.

At sa pagkatapos ng school year, muli nating buksan ang ating pinakamamahal na school bag, ang school bag na lagi nating kasama sa lahat ng pagkakataon- sa gimik sa barkada, sa cutting classes, sa paglalakad sa corridor papuntang next room ng subject natin, sa kaguluhan at ingayan, sa galaan, sa lahat. Muli nating tingnan kung ano ang laman ng ating school bag. Kung ano ang mga naipon at naitago ng ating school bag sa bawat minutong nilagi natin sa paaralang ating kinabibilangan. Silipin nating kung ano ang laman ng ating school bag sa nagdaang apat na taon na pag-aaral natin sa BNHS.

Siguro mayroong mga balat ng mga candy at chichirya na tinapon natin sa ating bag kapag walang matapunan; mga lumang notebook na hindi mo na mawari kung ano ang nakasulat; mga ballpen na walang tinta at lapis na walang tasa, mga nilukot na papel dahil zero sa quiz, mababa ang long test mga periodical test na 75 below ang grade na ayaw ipakita sa nanay at tatay. Mga love letters ng iyong mga secret admirers; mga photo copy ng notes at kung anu-ano pa.

Ngunit kapag tiningnan natin ang laman ng ating school bag. Alalahanin natin ang mga alaalang itinago at inipon ng school bag na ito, ang tawanan, iyakan, biruan, asaran, tampuhan, kasiyahan at kung anu-ano pang mga oras na pinagsaluhan mo at ng iyong mga kaklase at kaibigan at syempre ng iyong school bag.

Ang lahat ng ito ay iyong matatagpuan sa iyong school bag na lagi mong kasama sa lahat ng oras. Wag lang natin basta itapon ang ating lumang school bag dahil kasabay nito ay mawawala rin ang lahat ng mga magagandang ala-ala mo sa iyong buhay.

Teka sandali, ano itong naaamoy ko?Amoy sunog!!Shit! Yung sinaing ko nasusunog na. Lagot!!!Wahhh!!!

 
 
   

HOME | ARTICLE | PICTURE | MUSIC | VIDEO

AristotleBnhs.com-The Official Website of Aristotle
Copyright 2008-2009 ©

*Best View on Microsoft Internet Explorer*

Site Meter:  

Original Web Layout by: Mark__.