|

Email Us

|
|
| |
EXPLORING THE TELETUBIES
LAND.
What a boring day! Sabadong-sabado may pasok! At 'eto
kami naglalunch sa aming fave na canteen ang Magsaysay Gym.
Kayayari lang naming kumain ng may makita kaming
kahina-hinala:
mga mag-aaral na nagkukumpulan sa may talahiban...
(oh ang utak linisin!)
"Ano 'yon?"
"Nangunguha ng lupa."
"Naghuhukay ng kayamanan!"
"Halika tingnan natin"
At ang mga uto-uto, pumunta at nakiusyoso naman sa mga
batang
nagkukumpulan (isa sa best asset ng Aristotle ang makasagap
ng
chismis). Nalaman namin na wala naman pala silang
ginagawang
milagro kaya bumalik na lang kami. Nang...
"Labas tayo."
"Sige ba."
"Lets go"
Nagpasya nga kaming mag-alaDora the Explorer at ang
napagtripan naming gawin ay ang mag-cutting.At ang aim
namin sa
pagcucutting ay: wala lang nabobored lang kami..
sabayan kami sa pagkanta sa saliw ng Dora the Explorer Song
Come on Aristotle, everybody lets cutting.
Come on, lets get do it, I know that we can do it!
Where are we going? Teletubies land.
Where are we going? Teletubies land.
~1st Attempt~
Sumugod na kami sa gera, este sa pagdaan pala sa
mapanganid na kipot ng Teletubies Land sa pangunguna ng
president ng class na si Trisha. Sa una ay masaya kaming
naglalakad
ng walang anu-anu ay bigla na lang kumaripas ng takbo si
Trisha
pabalik. Kami din ay nakijoin na sa pagtakbo in effect na
parang
hinahabol kami ng toro (take note ang iba sa amin ay hindi
alam
ang dahilan kung bakit kami tumakbo pabalik. eherm isa pala
ako sa
kanila) Nang makarating na kami sa gym, ay tinanong namin
si Trisha
kung bakit siya nag-ala runaway bride, at ang reply nya ay
may nakita
siyang malaking taong student at napagkamalan nya itong
guard.
Ahhhh.... akala ko nakakita siya ng kung anu na naganu sa
anu kaya
naanu siya (special people lang ang makakagets niyan, I
mean special
child ). Pero hindi kami susuko! tuloy pa rin ang laban!
Sugoooodd!!!
~2nd Attempt~
Ang mga sumusunod ay ang mga salarin este mga miyembro pala
ng Sabik Sa Cutting (SSC)
Ilan sa mga original
_Tyni Atienza
_Trisha Dispo
_Lindt Alba
_ Roland Santos
_Kenneth Landicho
_Brian Zulueta
mga bagong recruit
_Roann Chavez
_Leonilyn Reyes
_Sidney Palardono
_ Dom Valentos
_Marj Tinao
(please remind me if ur a member, medyo mahina na po kasi
ang
photographic memory ng lola nyo eh)
May maliliit na butil ng maalat na likido ang dumadampi sa
aming pisngi
(in short pawis) habang naglalakbay kami sa matalahib na
Teletubies
Land. Maglakad ka ba naman sa disyerto na parang nakadirect
to ur
face the sinag ng sun eh. Pero sa wakas ay narating na
namin ang
Poisonous Fence. Sa awa ng Diyos nakadaan naman kaming
lahat.
And this is the moment, ang pagtawid sa Dangerous Canal
(maaalalang dito kami nagtagal sa the Cutting)
How to Pass the Dangerous Canal
1. Huminga ng malalim (inhale, exhale)
2. Sabihin sa sariling makakatalon ka (mag chant ng auhmmm
3x)
3.Tumalon ng ala charmy (kaya required kayong manood ng
commercial ng charmy)
Back to the story, Okay nakatawid na sila: Brian at
Kenneth, Sidney at
ako(Buwahaha, daig ko pa ang nanalo sa lotto ng mga
panahong yon)
Then si Trisha, si Tyni na noong una ay nagaalanga pa. At
sumunod
na sila Roland(na inaalalayan ang mga girls) Dom, Marj at
Roann.
Si Leoni ang huling nakatawid. Yehey nakatawid na kaming
lahat
pero may problem pa kami; saan kami dadaan pabalik?
"sa gate na tayo dumaan"
"huwag doon baka sitahin tayo ng guard"
"eh di dito na lang ulit tayo dumaan"
"ang hirap kayang makatawid diyan"
Pero sa huli, sa main gate na rin kami dumaan, masaya
kaming
naglalakad papuntang main gate....
~Final Obstacle~
Natatanaw na namin ang main gate ng school. Fortunately
nakabukas
ang gate kaya malaya kaming nakapasok, hindi na kami
tinanong ng
guard kung bakit kami nasa labas.--------- pero hindi ito
ang totoong
nangyari
~The True Story!~
Naglalakad na kami sa gate ng mapansin naming nakasara ito,
pero
nakita naming pinapasok ng guard isang student kaya,
papasok na
rin sana kami nang-
"Saan kayo galing" sabi ni Kuya Nick
.......................................walang
sumagot.......................................
after 56 yrs.
"Naglunch po" sagot ni Sidney
(Kahit ako ay napalingon kay Sidney, Go Sidney GO!)
"Saan kayo lumabas?"galit na tanong ni manong
"dito po,"sagot ng mga classmate ko
(ako sa sarili ko nahihiya ako dahil hindi ako
makapagsalita, iniisip
ko kung anu ang sususnod na mangyayari kung papapuntahan ba
kami sa guidance o tatakbo palayo, mukhang hindi kumbinsido
si
manong kaya patuloy nya kaming ininterview)
"Sino nagpalabas sa inyo? tanong ni manong"
"Si manong anu po- si manong ano" lilinga-lingang sabi ni
Sidney
"Kung saan kayo lumabs, doon din kayo pumasok"sabi ni manong
Iyun na ang naging cue namin para magexit, umalis kami na
parang
walang nangyari, pero ng malayo-layo na kami ay tumakbo na
kami
hindi na kami nagdalawang isip na tumalon sa dangerous
canal, iba na
talaga ang nagagawa ng adrenalin. At nang makarating kami sa
Gym.
nagawa pa naming magbiruan, pero batid mo sa iba sa amin na
kinabahan talaga kami. Pero isa lang ang masasabi ko, hindi
namin
pinagsisisihan ang ginawa namin dahil wala naman kaming
nilalabag
na school law....(uy defensive)
~THE END
dictionary
*teletubies land- talahiban malapit sa Magsaysay Gym,
paboriting
daanan ng mga nagkacutting
*poisonous fence- ang bakod sa may dulo ng teletubies land,
tinawag
ko itong poisonous dahil sa kalawang sa mga wire nito na
matetetano
ka pag natusok
*dangerous canal- ito ang canall bago mo marating ang side
walk ng highway, tinawag kong dangerous dahil sa isang metro
nitong
lapad, at may kalaliman din ito.
*Magsaysay gym- kaisaisang gym sa school natin at mukha na
itong
luma, mas maganda pa dito ang mga auditorium nang mga elem.
--------------------
Submitted by:
Email Address: Linella_chan429@yahoo.com
Name: L-kun
|
|
|
|