Free Web Hosting : Free Hosting : Troubled Teens : Web Site : Report Abuse
  Home » Article » Embassy
  HOME | ARTICLE | PICTURE | MUSIC | VIDEOS

Email Us
Email Us

Click Here!


Rate this Article

Name:

Email:

 Rating:





 

 
 

Embassy
from: Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang Mga Pilipino?
by: Bob Ong
Publisher: Visual Print Enterprises


Isang totoong pangyayari ang naikwento sa dyaryo tungkol sa 70-taong gulang na lolo na nagmula pa sa isang probinsya. Lumuwas ng Maynila ang matanda para sa kanyang visa interview sa US Embassy, at dahil wala syang anumang alam sa salitang Ingles, isinama nya ang apo bilang translator.

Inutusan ngconsul ang apo na tanungin ang lolo nya kung bakit gusto nitong pumunta ng Amerika.

"Bakit daw ho ba gusto ninyong pumunta ng Amerika?" tanong ng apo.

"Sabihin mong gusto kong makita ang mga anak ko doon" sagot ng lolo

Muling ipinatanong ng consul sa apo kung bakit kailangan pang pumunta ng matanda sa Amerika, at hindi na lang papuntahin dito ang mga anak nya. Matapos tagalugin ng bata ang tanong,sumagot ang matanda.

"Sabihin mo, dito kasi ipinanganak ang mga anak ko. Nakita na nila ang Pilipinas. Gusto ko naman makita ang Amerika bago ako mamatay."

Dahil naasiwa sa katotohanang hindi man lang makapagsalita ng kahit kaunting Ingles ang matanda, ni-reject ng consul ang application nito. Sinabi ng apo sa kanyang lolo ang naging desisyon ng consul at ipinaliwanag ang dahilan. "Hindi raw kasi kayo marunong mag-Ingles."

Hindi ito kinatuwa ng matanda kaya inutusan ang apo. "Sabihin mo ito sa kanya at huwag mong papalitan ang sasabihin ko. Putang ina niya, bakit siya nandito eh hindi naman siya marunong mag-tagalog."

Sinunod ng bata ang utos at sinabi ito sa consul. He said: "You son of a bitch, how come you are here..you do not know how to speak in Tagalog."

Sa pagkagulat na may halong tawa, napilitan magbago ng isip ang consul at mabilis na inaprubahan ang visa application ng matanda.

 

 
 
   

HOME | ARTICLE | PICTURE | MUSIC | VIDEO

AristotleBnhs.com-The Official Website of Aristotle
Copyright 2008-2009 ©

*Best View on Microsoft Internet Explorer*

Site Meter:  

Original Web Layout by: Mark__.