| |
Cutting part two
Ang Nakaraan:
Nakatawid na sa kanal na medyo
malaki, ang mga first time mag-cutting na obvious na obvious na
hindi marunong magcutting kasi
magcucutting na lang papasok pa..

Pagpapatuloy:
"O yan na yung butas pasok na dali",
sabi ni Roland nagmamadali ayaw pahuli, baka nga naman sinusundan
kami nang guard na mataba. Di nga ako mapakali e, kasi may mga
alambre yung butas e baka masabit kami nauna na sila, buti na lang
malakas ang fighting spirit namin kaya nilusot namin yung butas na
iyon. Tapos nun sinundan na namin yung trail, yung hawi sa damo,
nagmamadali kami, ewan ko kung bakit, lakad kami ng lakad at ayan sa
wakas natanaw na namin yug mga kaklase naming naghihintay sa gym
sina Kathryn, Mark at Lady.
Wow, ansarap ng feeling na maka-experience
ng ganun. Nagpahinga kami ng kaunti at pinanood yung sayaw ng SPA
(no comment, baka mabasa ito ni Ma'am Akit). Dedma naman yung iba
naming classmates walang pake, pero okay lang masaya naman kami.
Pero...iyan may kasunod pa nakaka-trill
naman! Pero..hindi pa nakontento, nagpaplano pa ng panibago, "Tsaka may Groto daw dun", isa pa si Maan, magvivigil yata, kami naman,
talagang na eexcite, parang first time makakakita ng batis? at
Grotto? sa skul? at sa annex pa? Edi iyon larga ulit, siyempre kasama
na naman yung pasimuno. May pauso pa ngang picturan daw at i-video
daw."Di ba bawal daw yung ibang year sa annex?" nga naman. "Oi,
tanggalin natin yung necktie natin", di ko kilala kung sino nagsabi
pero sure ako na hindi lalaki.
Iyan inakyat namin ang matarik na
daan ng annex at dumiretso sa labas ng canteen. Di malaman kung saan,
si Maan hindi daw siya sure, pero tumuloy pa rin kami. Una dun kami
sa pababa, ayan na naman si Kathryn at Mark ayaw tumuloy, look out
na lang daw sila. "Ayun dun yata", na eewan na naman yata si
Kenneth, eh puro talahib lang nakikita namin. Hindi din mawawala
yung ibang batang papasok ng skul kahit hapon na, na doon dumadaan.
Tuloy-tuloy lang kami, hanggang mayamaya may nakitang pader sa baba,
"naku baka nandoon", sinundan namin sila pero bilang "aw, aw, aw",
may aso, nagpulagasan biglang nanguna na kami ni Kristine pero hindi
pa kami bumabalik sa Canteen, kasi baka daw sa kabilang trail naman.
Si Maan naman yung nangunguna ngayon kasi ginive-up na namin yung
batis, grotto naman. E nakakatakot na puro talahib nalang kaya nag-aaya
na kong bumalik. Eh sila Lady at Kristine parang sundalong
mandirigma na gustong suyurin yung talahiban makakita lang ng
grotto, ayaw pa rin, kaya sumunod na rin ako. kasama pa rin namin
sila Roland, Kenneth, Brian, Lindt, Maan atbp. Lakad kami ng lakad
wala namang Grotto, ayaw naman nilang tumigil. Maya maya lang eto na
si Roland, "Naku, mamaya may biglang lumitaw dyan!", aba di ka nga
magulat nagtakbuhan pabalik. Sa ayaw nang bumalik ng karamihan.
Nanalik na lang kami ulit sa Gym. Pero bago iyon, nilibot namin yung
kalahati ng Annex, nang makita si Ma'am Sheryl kaway, nang makita
si Ma'am Garcia, kaway din may hello ma'am pa, nang makita si Ma'am
Sanchez kaway din, may pahawak sa tiyan pa nga si Maan. Tapos pababa
na kami eh, may natanaw pang puno si Mark picture-picture daw, alam
nyo naman yung klase namin, basta sinabing picture yan, di pa nga
nakikita yung camera, nakapost na sa ilalim ng puno pa nga nakikita
yung camera, nakapost na sa ilalim ng puno.
magugulat ka na lang wala na sa tabi mo. Ayan
una nakatigil pa seryoso daw? Ikalawa wacky ba yun o ewan lang,
pagkayari nun di pa naubos ang kalokohan, paunahan daw pababa,
kunwari daw nakita namin ung Grotto at batis, lokohin daw namin yung
iba naming kaklase, (baka daw kasi dedma ulit). Nauna sila Roland,
Mark at Kenet sa Gym.
(Buti naman may pumansin kahit isa).
Siyempre para di lugi, tango na lang kami. Pero pagdating sa room,
nabuko din kami kaya iyon, hanggang katuwaan na lang ung little
field trip namin na walang bus. Maya maya hindi daw pala tuloy ung
miting. Okay lang! hehe ang saya naman nung adventure namin.
Dito na nagtatpos ang puro depekto
namaing cutting, sana yung mga hindi pa nakaka-experience, try nyo
din. pero kung ayaw nyo wag, mamatay kayo sa inggit! (Jowk lang)
Salamat sa pagbabasa kahit walang
kwenta para sa iba! |
|