|

Teachers - VOLUME 1
Ngayong unang volume ng ALIST ay hindi tayo magbibilangan ng mga top10 o top5 ng mga bagay-bagay sa paligid na kalimitang dapat nilalaman ng mga list.
ALIST? Bago pa man tayo magsimula ng walang kwentang mga kwentong bulero na hango sa mga kwento ng mga sikat na manunulat tulad nila Bob Ong, Aurelio Tolentino, Gregorio Florencio Jr., Arthur P. Casanova, Hen Siok Tan, Karl Sandburg at ng kung sinu-sino pang mga
writer ay nais ko lang linawin na hindi maiiwasang
magkahawig ang style namin sa pagsulat ni Bob Ong dahil
matindi ang impluwensya ng mga libro niya na katatapos ko
lang basahin, salamat sa mga nagpahiram ng libro. Nais ko
din linawin na ang bigkas ng ALIST ay "Ey List" at hindi
alis na nangangahulugang tsupi.
Ang pag-uusapan natin ngayon ay ang mga bago nating guro. Pero dahil sa medyo kakaiba at lantaran ang kwento ko para sa araw na ito ay itatago ko muna ang aking katauhan para na din sa aking kaligtasan. Itago nyo na lang ako sa pangalang
Munting Bisiro.
Simulan natin sa first subject at ang ating adviser. Mr. Renato
Fernando. Bukod sa matinding utak ng taong ito ay wala na akong masasabi. Pero matindi siya nung bumanat ng kwento ng baby camel at mga kwento na magbibigay inspirasyon sa atin para mapilitan tayong mahalin ang calculus. Pinakitaan din tayo ng isang kamanghamazing na talent. Wow! kaya nya magsulat gamit ang kanan at kaliwang kamay. Pero kung sa pagsulat din lang ang pag-uusapan wala ng tatalo
kay Mark, kamay ang gamit sa pagsulat pero sulat paa, 'san
ka pa? Mabalik tayo kay Sir, sa dami ng mga inspirasyon na binigay nya satin ay hindi ako magtataka kung minsan ay sabihin nya na writer siya ng
Purpose Driven Life-Kapangpangan Edition.
Chemistry-Ma'am Andres. Wohoo!! Balik na naman tayo kay
Ma'am Andres at sa mga lesson nya na makakatulong sa pagtitimpla ng Ice Tea. Pinaka namiss ko kay Ma'am Andres yung mga number nya sa mga problems. Tulad na lang nga 5.0moles, 25.00grams o kaya yung 0.230grams/mole at ang malupet na 2.000000kg. Diba walastik sa dami ng
zero.
Si Ma'am Velasco mula sa departamento ng Filipino. Bago ako magsimula ay pakihanap nga ang pagkakaiba ng Pilipino, Filipino at Tagalog.
Nakita ko na si Ma'am dati sa JICA, kung hindi ako
nagkakamali ay sandali siyang pumalit kay ma'am sanchez.
Maiba ako, natutuwa ako sa kwento ng Miliminas, para kasing barbero ang sumulat, matindi maggawa ng kwento, yung iba dun nakakatuwa, yung iba nakakiyak, yung iba nakakainis, yung iba parang bunga sa taniman ng mais. Ala na kong masabi sa susunod na lang uli.
Ma'am Marteja from English Department. Matindi mag-english yun, di ko alam kung baket siya
nage-english. Pero pinaka natutuwa ako kasi pagkagaling ko sa canteen ay unti-unti akong lumalapit sa pinto na parang magnanakaw, sinisilip ko kung nakaupo na siya sa kanyang trono. At kapag nalaman ko na wala pa siya ay uupo agad ako sa upuan ko sa dulo ng mundo at kakain.
Pagdumating siya ay bibilang lang ako ng tatlo at parang
bula na mawawala ang kinakain ko. Hay! Impacho. Maraming
salita ang pinapauso nya. Mayroong "Yawe" na ang ibig
sabihin daw ay student, ang "Tralala" na parang churvalu ang
katumba dahil ginagamit ito sa mga bagay na hindi alam ang
kahulugan o eksaktong halaga tulad na lang ng Year 19tralala. Tumatak din sa
isip ko ang "Alive and Kicking!" na hindi ko alam kung bakit
nakakapagbigay ng enerhiya sa akin.
TLE- Kinukutingting namin ang kaluluwa ng
computer, marami na naman kaming mga bagong matututunan para
sa taong ito. Nasampulan na kami ng mga activity na saksakan
ng hirap gawin, masyadong matrabaho. Pero tulad ng laging
sinasabi ni Sir, tiyaga lang ang kailangan, tama matinding
tiyaga at pasensya ang kailangan mo para makabuo ng mga
pangalan na pa-arc ang alignment kahit na alam mo na pwede
naman yun gawin sa wordart. Tiyaga nga lang ang kailangan.
May isa lang akong napansin, hightech yung mga mouse sa
computer room, may sariling isip, kaso ang problema lang
tumataas yung cursor kapag ginalaw mo pakanan kaya imbis na
SAVE ang ma-click ay hindi mo sinasadyang ma-click ang SHUT
DOWN.
Lunch - Tulad ng dati ito na ang pagkakataon
para sagutin ni Manfred ang tawag ng kalikasan, kumain, makipagkwentuhan, gumawa ng assignment
at pahanginan ang mga pwet na nag-init sa upuan.
Physics with Mr. Capili. Hahanga na naman
ako sa mga kaalaman na di ko alam kung saan napupulot ni
sir. Di katulad ng physics dati ay tinatawag daw itong
Advance Physics or Applied Physics, puro experiment at
application ang gagawin namin ngayon kaya masaya. Nasampulan
na nga kami ng isang experiment eh, yung Pinhole Camera.
Yung bumabaliktad ang image, kung hindi ako nagkakamali at
walang kokontra sa inyo ay nais kong ipagmalaki na ako ang
unang nakakita ng image ng fluorescent light, guhit lang ang
nakita ko pero matindi ang pananalig ko na yun na ang ang
resulta na hinihintay namin, pero may problema ako, kahit
anong paliwanag ko ay hindi ko kayang patunayan na baliktad
ang image ng isang puting linya sa tracing paper. "Oh!
nakita ko yung fluorescent light. Ayun oh gumuhit siya, puti."
Tama na nga ang kayabangan ko, hindi ako barbero pero
mahilig talaga ako gumawa ng kwento na ako yung bida.
Ekonomiks. Dito ko natutunan ang ilang sa
mga nakakatuwang bagay. Ito daw ang pag-aaral ng mga paraan
kung paano ipamamahagi ang limitadong pinagkukunang-yaman
upang matugunana ang walang katapusang kagustuhan. Nalaman
ko na Ice Cream na may banana na lumulutang pala ang isa sa
mga unang product ng Jollibee, banana float yata ang tawag
dun lolo daw ng Coke Float yun.
Research. Eto na, masaya raw ang research
dahil ito ang nagpapaulad at nagpapagaan sa buhay ng mga tao
sa mundo. Naalala ko yung mga past years na kung ano-anung
mga research na ang dumaan sa mga utak ko na walang bahid
katotohan at katarungan, napaginteresan na namin ang mga
mani na di ko alam kung para saan ba talaga. "Peanut as
Regulator of Angiogenesis in Quail Embryo" yata ang title
namin nun, pilit namin pinaglaban ang research namin na yun,
hanggang sa nagising na lang kami sa katotohanan na wala
pala kaming pinaglalaban, dahil bukod sa maraming pugo sa
ating mga kagubatan at sa mga Genesis biyaheng Avenida to
Balanga ay walang dating sa bansa ang research na ito, dahil
hindi ito makakatugon sa pangangailangan ng mga pilipinong
lubog ang mata at sabog sa droga.
MAPEH - may test nga pala sa MAPEH bukas
tungkol sa mga Mental Health, Mental Disorder, Mental
Hospital, crabMentality at kung ano-anu pang mental. At bago
pa ako tuluyang magkaroon ng kung ano pa mang mental ay
kailangan ko ng matulog dahil tumatahol na ang mga manok ng
kabitbahay namin.
Para sa inyong mga comments, suggestions,
reactions and questions, please email nyo ako sa muntingbisiro@yahoo.com. Sumasagot na din ako ngayon ng
mga liham na mula sa mga pariwara at wala ng pag-asa sa
buhay, ipadala nyo lang ang inyong mga liham at sasagutin
natin ang mga yan sa ating next ALIST. Maaari nyo rin akong
batikusin at patahimikin kung inyong nais, o kung sa tingin
nyo ay masyadong personal at labas na sa linya ng literatura
ang mga sinasabi ko. Naisip ko lang na mahirap talaga maging
isang manunulat, kailangan mong manindigan sa mga sinusulat
mo, kailangan mong maging maingat sa mga sinasabi mo at
higit sa lahat kailangan mong pangalagaan ang ibang sektor
ng lipunan na hindi dapat madawit sa mga sinusulat mo. Bob
Ong Rocks!
Hanggang sa muli, paalam!!
|